Abante Tonite Interactive

Arci, mas maganda at mas sexy kay Maja!

225

NABANGGIT noon ni Jericho Rosales na ayaw na niyang gumawa ng love scene, pero heto at ang dami niyang love scenes sa Magpahanggang Wakas at parang sarap na sarap siya sa kapareha niyang si Arci Muñoz.

“Grabe naman ‘yung sarap na sarap!” natatawang reaksyon ni Echo.

“Sa totoo lang po, hindi madaling gumawa ng love scene at mahirap mag-mount ng love scene.

“Kailangan mo talagang maniwala na nagmamahalan kayo and you’re doing it for a very good reason.”

Paliwanag ng ma­galing na Kapamilya actor, dati kasi ay may mga pinaniniwalaan siya at isang stage ‘yon na pinagdaanan niya.

Bilang isang Christian ay nag-evolve na siya, nagbago, umayos at mas malawak na ang kanyang understanding sa kanyang trabaho.

Alam niya pa rin ang kanyang convictions at boundaries, pero ang Magpahanggang Wakas ay isang magandang story about love at kasama rito ang mga ganu’ng eksena.

Natatawang kuwento ni Echo, madalas ay MAALAT si Arci sa love scenes nila dahil lagi itong nagsi-segue (sa ibang trabaho) kaya hindi raw ito nakakaligo.

“Grabe ka naman! Nagpupunas naman ako ng kili-kili,” natatawang hirit ni Arci.

“Ha! Ha! Ha! Mahirap talaga. Nandiyan ‘yung mga nag-iilaw, nandiyan ‘yung crew, may mga buhangin kami sa katawan, buong maghapon kaming naka-makeup, so iba na ‘yung dating ng love scene.

“‘Yun ang challenge talaga. But you know what, ‘yung pakikipagtrabaho kay Arci, ‘yung mga eksena naming da­lawa, tumatalab, eh. Ang galing. ‘Yung believabi­lity, mataas.

“Since siguro, feeling ko, may pagkasintu-sinto siya…

“Pero Mona (Ramona ang real name ni Arci) is one of the best leading ladies I’ve worked with. I promise.

“One of the most beautiful, isa sa pinaka-sexy… sorry, Maja (Salvador). I love you, but si Mona is the best,” bulalas ni Jericho.

“Uy, saan mo gusto mamaya?” tanong sa kanya ng na-touch na si Arci.

“Huwag ka ngang press release! Banana cue nga lang, isang piraso lang binigay mo sa akin, kinain mo pa ‘yung kalahati!” buwelta ni Echo sa kanyang leading lady.

“Eh wala nang pagkain sa isla, eh!” napapangiting sagot ni Arci.

Ngayong gabi ang simula ng Magpahanggang Wakas sa Kapamilya Primetime Bida pagkatapos ng Ang Probinsiyano.

Tonite – Wendys Inhouse Ad