Abante Tonite Interactive

Arci, matagal bago naka-MOVE ON

By
42

Si Arci Muñoz ay obvious na si Kean Cipriano ang tinutukoy pero ayaw na niyang sagutin kung sino ito.

Aminado siyang natagalan bago siya nakapag-move on.
“Akala, ko nakapag-move on na ako, hindi pa pala,” sagot niya nang tinanong namin paano niya nalagpasan ang break-up na iyun.

Iniyakan niya iyun nang matagal.
“Para makapag-move on ka, it will really take time.

Kaila­ngan mapagdaanan mo siya para makalimutan mo siya completely. Para pag pumasok ka uli sa panibagong relasyon, alam mo na,” sabi pa ni Arci.

***

Si Andi Eigenmann ay inamin na si Jake Ejercito ang pinakamasakit niyang break-up.
Pero nalagpa­san din niya iyun kahit ma­tagal niyang ininda.

Andi Eigenmann
Andi Eigenmann

“Binaling ko na lang ang atensyon ko sa iba. I traveled a lot. I focused on activities na matagal ko nang gustong gawin na hindi ko pa siya nagagawa nu’ng kami.

“Parang nag-build ako sa sarili ko ng panibagong world na hindi na siya kasama,” saad ni Andi.

Kaya sobrang relate na relate sila sa kuwento ng pelikula nilang Camp Sawi na sa August 24 na ang showing nito.

***

LAHAT nang main cast ng pelikulang Camp Sawi ay talagang may hugot pagdating sa isyu sa lovelife ang usapan.

Si Bela Padilla ay halos tatlong taon bago nakapag-move on sa break-up sa kanyang first boyfriend.

Bela Padilla
Bela Padilla

Ayaw niyang sabihin kung sino ito, pero mukhang taga-showbiz.
Huwag na raw magbigay ng clue man lang, tutal, pareho silang nakapag-move on na.

“Actually, ‘yung three years na ‘yun buti na lang tuluy-tuloy ang trabaho, nagti-taping ako everyday.

“So, hindi ko siya naiisip. Kaya siguro hindi ako agad nakapag-move on kasi hindi ko nabigyan ang sarili ko ng time na umiyak o pag-isipan.

Nagtrabaho ako nang nagtrabaho, hanggang sa nawala na lang siya,” saad ni Bela.