Abante Tonite Interactive

Arci umiyak sa BTS

363

Ang phenomenal Korean boy band na BTS ang nagiging gamot ngayon ni Arci Muñoz para maka-move on sa break-up nila ng dating boyfriend na si Anthony Ng. In fact, nakatakda siyang pumunta sa South Korea para manood ng concert ng grupo.

Tuwang-tuwa siya na ­nanalo siya sa raffle ng ­concert ticket dahil hindi raw ­puwedeng bumili.

“‘Di ka puwedeng ­bumili ng ticket, may raffle. So, ­sumali akong fan club, tapos 3 account ‘yun, tapos nanalo ako sa raffle, umiyak ako!” masayang-masayang kuwento ni Arci nang makatsikahan namin sa presscon ng “Pamilya Ko”.

“Umiyak ako talaga! Sobrang saya ko talaga!” sey pa ni Arci na napapatili pa.

Pagkapanalong-pagkapanalo niya ay nag-book na raw siya agad ng plane ticket.

“Sabi ko, ‘mag-book na ako!’ Nanginginig ako. Lahat binuk ko na, sabi ko sa mga friends ko, ‘samahan n’yo ko,’ pero hindi naman puwedeng 2 o 3 tiket bilhin mo, isa lang talaga. So mag-isa lang akong manonood. Mukha akong tanga do’n,” natatawang sey ni Arci.

Pero okay lang daw dahil makakasama naman din niya ang mga kapwa-Army (official fans club ng BTS).

“Malamang makikilala ko ang mga Army sa Korea. Excited ako, mag-aaral na ako, mag-aaral ako ng Korean!” sambit pa ng aktres.

Aminado naman si Arci na sobrang obsessed siya talaga ngayon sa BTS at ito raw talaga ang nagpapasaya sa kanya.

In fact, kabisado niya ang mga birthday ng 7 ­members. Nag-birthday nga raw si Jungkook noong Sept. 1 at ­talagang nag-celebrate raw siya by throwing a party.

Kahit abala sa fangirling, siyempre ay hindi naman napapabayaan ni Arci ang kanyang trabaho’t kasama nga siya sa bagong family drama series ng ABS-CBN na “Pamilya Ko” with JM de Guzman, Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Maris Racal at marami pang iba. Magsisimula na ito sa Sept. 9 bago mag-TV Patrol.

Yasmien ‘di atat sundan ang baby

Six years old na ang nag-iisang anak ni Yasmien Kurdi and husband Rey Soldevilla na si Ayesha Zara pero hindi pa ito nasusundan at ayon sa aktres, hindi naman daw sila nagmamadali.

“Basta kung ibigay ni Lord, eh ‘di thank you, ­blessing ‘yun. Pero hindi naman ako in a rush talaga na ­magka-baby agad dahil wala pa ako sa end ng age or ‘yung limit age mo na hindi ka na puwedeng mag-baby or mahihirapan. Wala pa naman ako doon,” ani Yasmien.

Maaga raw kasi siyang nag-asawa at maaga ring nabuntis kaya mahaba pa ang oras nila na magkaroon pa ng mga anak.

Pero aminado naman siyang naghahanap na rin ng bagong baby si Ayesha pero pinapaliwanagan na lang nila ang anak na in God’s time ay darating din ‘yun.

At habang wala pa ay tuloy-tuloy naman daw ang work niya’t heto nga’t may bago siyang ­action-drama series sa GMA-7 na “Beautiful Justice”. Pero ready raw siya if ever na makabuo sila ng baby na isantabi rin naman ang trabaho.

“Malay n’yo, next year,” she said.

Pero wala raw silang sinusunod na schedule kung kailan sila magbubuo ng baby at kung kelan na lang daw ibigay ni Lord.

Magsisimula na sa Sept. 9 ang “Beautiful Justice” sa GMA Telebabad at sey nga ni Yasmien, comeback niya ito sa primetime after “Rhodora X” five years ago kaya sobrang happy raw siya.

Tagumpay ng ‘Probinsyano’ kagagawan ni Coco

As a director, himself, bilib na bilib si Michael de Mesa kay Coco Martin bilang direktor niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

“Magaling!” ani Michael nang tanungin namin kung kumustang director si Coco.

“Magaling ‘yung bata. Sobrang impressed ako, saka the way he comes up with storylines, on the spot. Siya talaga ang nag-iisip. ‘Yung success ng ‘Probinsyano’, malaking porsiyento is Coco Martin.

“Of course, team work ‘yan, you have Dreamscape (Entertainment, ang unit ng FPJAP), and then, you have the writers, pero malaking parte diyan si Coco Martin kaya ganyan ka-successful ang show na ‘yan.

“Siya ‘yung nakakaalam kung saan pupunta ang istorya, kung ano’ng anggulo ang mga tatahakin namin, kahit ‘yung mga characters na pumapasok, siya (ang nag-iisip).

“So, sobrang nakakabilib. Mabilis magdirek, may sistema, magaling na artista, at napakabait na tao,” ang mga papuring binitiwan ni Michael patungkol kay Coco.

Nakausap namin si Michael sa presscon ng pelikula niyang “Marineros: Men in the Middle of the Sea”.

Showing na ang movie sa Sept. 20 mula sa direksyon ni Anthony Hernandez.