Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina asam 1st LPGA crown

0 221

Nasa ikaanim na niyang taon ngayong 2021, ipagpapatuloy pa rin ni Dottie Ardina ang paghahagilap sa mailap na korona sa pagpalo sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 11th leg $1.3M Pure Silk Championship sa May 20-23 sa River Course ng Kingsmill Resort sa Williamsburg, Virginia.

Ikalawang kompetisyon sa kasalukuyang taon at ika-51 sapul noong 2014 ng edad 27, 5-2 ang taas at tubong Canlubang, Laguna na shotmaker, na ang best finish ay isang 15T na may kalakip na $25,166 (P1.2M) sa 2018 Thornberry Creek LPGA Classic sa Oneida, Wisconsin.

Sumablay ang dalagang golfer sa una niyang salang sa world’s premier circuit sixth leg, 10th Lotte Championship nitong April sa Hawaii.

Sasabak din ang dalawa pang pambato ng ‘Pinas sa Pure Silk na sina Bianca Isabel Pagdanganan, 23, 5-foot-3, ng Quezon City, at US-based Clarissmon ‘Clariss’ Guce, 31.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.