Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina asinta titulo sa Symetra

0 157

Ipagpapatuloy ni Dottie Ardina na mahagip ang mailap na unang titulo sa ikapitong taong kampanya sa pagsiklab ng 16th Symetra Tour fifth leg, $175K (P8.4M) 7th Garden City Charity Classic sa Buffalo Dunes Golf Club sa Kansas ngayong Sabado (Biyernes sa Tate).

Ito ang ika-86 ng kompetisyon ng 27 taong-gulang na dalagang tubong Canlubang, Laguna sa ‘Road to Ladies Professional Golf Association Tour’ sapul noong 2014 hanggang ngayong taon. Hindi siya nag-2019 ST dahil nakapag-LPGAT.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Best finish ni nArdina sa Symetra ang limang beses na pagsegunda, na ang pinakahuli ay sa 2018 IOA Golf Classic. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.