Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina balik-Symetra Tour

0 179

Balik-kayod sa 16th Symetra Tour 2021 si Dottie Ardina sa paghampas sa fourth leg $200K 1st Copper Rock Championship sa Copper Rock Golf Course sa Hurricane, Utah sa April 22-24 (23-25 sa ‘Pinas).

Kakapalo lang ng edad 27, 5-2 ang taas, tubong Canlubang, Laguna at pitong taong beterana ng ST sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 sixth leg – $2M 10th Lotte Championship sa Kapolei Golf Club sa Hawaii nitong Apr. 14-17 kung saan sumablay siya sa finals.

SM food to go Banner Ad

Unang kampanya ni Ardina sa LPGAT sa taong ito ang Lotte event, samantalang pangatlong torneo na ang Copper sa ‘Road to the LPGA Tour’ makaraang magmintis din sa cut sa opening leg Carlisle Arizona Women’s Golf Classic noong March 18-21 at tumabla sa fifth place sa second leg IOA Championship sa California nitong Mar. 26-28 para mabiyayaan ng $4,558 (₱221K). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.