Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina, Guce may 74 sa 1st round

0 162

Tumira lang ng two-over-par 74 ang pambato ng ‘Pinas na sina Dottie Ardina at Clarissmon ‘Clariss’ Guce upang makibuhol sa 17 para sa ika-50 puwesto sa pagsambulat ng 16th Symetra Tour 2021 fourth leg, $200K 1st Copper Rock Championship sa Copper Rock Golf Course sa Hurricane, Utah Huwebes (Biyernes sa Maynila).

Hangad ng ni Ardina ang unang korona sa ‘Road to Ladies Professional Golf Association Tour’ na ito sapul noong 2014, samantalang si Guce sa pangatlong kampeonato makaraang makadalawa noong 2016 sa pang-anim na taon niyang pagpalo sa ST.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tabla sa tuktok sa identical six-under 66s para sa two-stroke lead sina American Bailey Tardy at Natalie Sheary. Humihinga sa batok nila ang tatlong parbuster na may 68s. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.