Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina hahabol sa 2021 Olympics

0 217

Susubukan pang makakolekta ni Dottie Ardina ng ranking points na basehan para sa mga papalo sa wmen’s golf ng 32nd Summer Olympics Games 2021 sa Tokyo, Japan.

Kaugnay ito sa paghambalos ng edad 26, may taas na 5-1 na Pinoy pro golfer na tubong Canlubang, Laguna sa United States Ladies Professional Golf Association at Symetra Tour, simula sa $1M LPGA Drive On Championship sa Hulyo 31-Agosto 2 sa Inverness Club sa Toledo, Ohio.

Nasa Amerika na sa ngayon ang dalaga na balak tuhugin ang dalawang torneo sa nasabing estado, hahampas din sa $2M Marathon Classic sa Highlanf Meadown Golf Club sa August 6-9. (RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.