Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina hahampas sa Oregon

0 59

Kayod-marino si Dottie Ardina sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 24th leg – $1.4M (P70.5M) 28th Cambia Portland Classic sa The Oregon Golf Club sa West Lin, Oregon na papalo sa September 16-19.

Asinta niyang higitan ang best-finish rito noong 2017na four-way tie sa 29th place sa panlimang taong pagsali sa may anim na taon nang pagkampanya sa world promier ladies circuit. Mas mataas pa ang tinapos na iyon sa 9-way tie sa 42nd spot niya noong isang taon.

Dalawang beses na-cut ang 27-anyos na Pinay shotmaker mula sa Canlubang, Laguna at suportado ng ICTSI sa mga taong 2014 at 2019. Nasa LPGA Tour ang dalaga sapul noong 2014 at 2017-2021. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.