Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina ika-12, P3M kinita

0 106

Sa tatlong birdie at anim na bogey, nagsumite ng worst round three-over par 75 si Dottie Ardina para sa sa total five-under par 283 at tablahan sa three-way tie sa 12th place sina reigning world No. 4 Sei Young Kim ng Korea at No. 212 Wichanee Meechai ng Thailand na may $75,343 (P3.6m) each sa wakas ng 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 15th leg 59th KPMG Women’s PGA Championship sa Atlanta Athletic Club sa Johns Creek, Georgia nitong Linggo (Lunes sa Maynila).

Ito na ang best-finish ng world No. 362 at 27-year-old Pinay shotmaker mula sa Canlubang, Laguna sa anim na taong kampanya sa US-based LPGAT, nakaungos sa mga kakabayang sina sina reigning US Women’s Open Yuka Saso na lumagay sa apat na magkakatabla sa ika-21 puwesto tapos ng 67 para sa 285 na may $48,142 (2.3M) bawat isa, at ang sumablay sa cut na bokya sa papremyong Bianca Isabel Pagdanganan.

Pinananalunan ang 156-player, four-day event ni Nelly Korda (68-269) via three strokes sa kapwa home bet na si Lizette Salas (71-272) upang isubi ang $675K o P32.8M. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.