Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina ika-31, P406K binulsa

0 157

Sinara ni Dottie Ardina sa one-under par 70 ang four-day total one-under 283 niya para mag-eight-way tie sa 31st slot na may $8,469 (P406K) each sa wakas ng 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 11th leg, $1.3M (P62.3M) 16th Pure Silk Championship sa Kingsmill Resort-River Course sa Williamsburg, Virginia Linggo (Lunes sa ‘Pinas).

Nagsalpak naman si Bianca Isabel Pagdanganan ng two-over par 73 at even 284 upang makisosyo sa siyam na nasa ika-39 na puwesto na may $5,980 (P287K) bawat isa, habang ang ikatlong Philippine bet na si Clarissmon ‘Clariss’ Guce na-cut sa halfway pa lang.

Pinagreynahan ni Taiwanese Wei-Ling Hsu (68-271, $195K) ang torneo via two-stroke win kay Thai Moriya Jutanugarn (70-273, $117,862). Tumersera si home bet Jessica Korda (70-274, $85,500). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.