Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina iwan ng 5 vs Finn

0 76

Bumawi si Dottie Ardina sa mga bogey sa 11th at 13th upang maka-birdie sa 15th at 18th holes para sa even-par 73 at maiwan lang ng limang palo kay Matilda Castren ng Finland sa $125K 1st Mission Inn Resort and Club Championship 2020 opening round sa Mission Inn Resort & Club-El Campeon Course sa Howey-In-The-Hills, Florida nitong Huwebes (Biyernes sa Maynila).

Isang pang pambato ng Pilipinas, si Clariss Guce ang nakatipa lang ng three-over 76 sa 54-hole, three-day event na eight leg ng may 10 torneo na 15th Symetra Tour 2020, at pinaigsi sa taong ito ng Covid-19 para makansela ang 13 iba pang yugto.

Nasa nine-way tie sa 19th place si Ardina, habang nasa 14 na magkakabuhol sa ika-43 puwesto si Ardina. Isang palo lang ang agwat ng Finnish (5-under 68) kay Gemma Dryburgh ng Scotland (69) sa 84-player golfest. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.