Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina kumasa sa 68, Guce may 70

0 103

Kumakasa sina Dottie Ardina at Clariss Guce ng Pilipinas sa ninth Symetra Tour 2020 opening round sa LPGA International Golf Club-Jones Course sa Daytona Beach, Florida nitong Huwebes (Biyernes sa Maynila) na pinangunahan ni Robyn Choi ng Australia sa career-low 9-under 63.

Pumoste si Ardina, 26, at tubong Canlubang, Laguna, ng 69 sa nines na 35-34 na may apat na birdie kahit may isang bogey para lsa imang palo lang na pagkaiwan sa 22-anyos na Australian, lamang ng isang stroke kay Peiyun Chien ng Taiwan (64).

Humihinga sa likuran nila na may identicals 66s sina American August Kim, Slovenian Ana Belac at Italian Roberta Liti sa 108-player starting field, 72-hole, four-day golfest na seventh leg ng 15th Symetra Tour 2020, ang farm league ng Ladies Professional Golf Association.

May 70 ang 30-year-old Fil-Am na si Guce upang mapabilang sa 19 din na magkakabuol naman para sa 27th spot patungo sa second round. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.