Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina kumubra ng P.4M sa Open

0 142

Pinoste ni Dottie Ardina ang pinakamagarang laro sa apat na araw sa one-under par 71, pero sapat lang para pumuwesto sa five-way-tie sa 64th place at magkamit pa rin ng US$8,217 (P400K) sa pagtiklop nitong Linggo ng gabi ng $4.5M AIG 44th Women’s (British) Open 2020 sa Old Course-Royal Troon Golf Club sa Troon, South Ayrshire, Scotland.

Tumira ang 26-year-old, 5-foot-2 , at seven-year pro lone Philippine bet sa unang tatlong araw ng unang world majors ng taon ng mga linyang 78-73-76 para sa 14-under 298 at makasalo sa katayuan ang apat na iba pang golfer.

Pero malayo ang tinapos sa 144 player starting field ng Canlubang native parbuster sa kababayang retirado nang si Jennifer Rosales na pumang-apat rito may 18 taon na ang nakararaan.

Kampeon si Sophia Popov ng Germany (68-277) para iwui ang $675,000. Dalawang palo ang lamang niya kay Jasmina Suwannapura ng Thailand na may $407,926 at tersera si Minjee Lee ng Australia na may 69-281 at $295,468. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.