Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina magsosolo sa Evian

0 111

Mag-isang magiging pambato ng bansa si Dottie Ardina sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 19th leg $4.5M (P227M) The Amundi 21st Evian Championship sa Evian Resort Golf Club sa Evian-les-Bains, France sa parating na July 22-25 (23-26 sa ‘Pinas).

Ipinasya ni Yuka Saso na hindi na lumahok sa fourth leg ng five major event ng LPGA Tour sa taong ito upang magkaroon ng sapat na pahinga at paghahanda para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong ng pandemya sa darating na Hulyo 23-Agosto 8.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasama ni Saso sa quadrennial sports festival si ICTSI teammate Bianca Isabel Pagdanganan na nasa reserved list ng Evian. Kapwa sila magbubuhat sa USA pa-Japan para sa Summer Games kung saan nakatakda ang women’s golf sa Kasumigaseki Country Club-East Course sa Saitama City, Saitama Prefecture sa August 4-7. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.