Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina may 78 sa first round

0 145

Hindi nasustena ni Dottie Ardina ang magarang simula, binagabag ng malalakas na hangin at nakatapos na may seven-under 78 para malagak lang sa maselang 18-way tie 107th place tapos ng opening round nitong Huwebes ng $4.5M 44th Women’s British Open 2020 sa Old Course-Royal Troon Golf Club sa Troon, South Ayrshire, Scotland.

Kailangang maging matapang at suwertihin ang four-year Pinay pro sa paghambalos sa second round nitong Biyernes ng alas-3:17 nang hapon (alas-alas-10:17 nang gabing oras sa Maynila) upang makahabol sa weeknd play ng 144-player starting field.

SM food to go Banner Ad

Solido niyang namaniobra ang par-4 No. 1 sa birdie para makasalo sa sa tatlo sa maagang pamumuno. Nang makakarta sina Caroline Masson at Olivia Cowan ng kapuwa Germany ng one-under par, sumasabay pa rin si Ardina sa magkakasunod na par bago nawala na sa porma tapos ng limang butas.

Solo lider si Amy Olson na may 67, apat na palo ang abante sa kapwa Amerikana na si Lindsey Weaver. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.