Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina naka-P332K, Pagdanganan P175K

0 261

Nagsumite lang si veteran Dottie Ardina ng one-under 71 pa-213 para lumapag sa siyam na magkakatabla sa ika-42 puwesto na may $6,867 (P332,000) bawat isa, habang may two-over 74-216 upang humanay six-way tie sa 64th place na may $3,628 (P175K) each si rookie Bianca Pagdanganan sa pagtiklop nitong Linggo (Lunes sa Maynila) ng Cambia Portland Classic sa Columbia Edgewater Macan Course sa Oregon.

Kinoronahang reyna ng torneo si Georgia Hall ng England na nakaungos sa playoff laban kay Ashleigh Buhai ng Africa makaraang mag-68 at 65 sila sa third at final round pa-identical 201s sa napaigsing tatlong araw na kompetisyon dahil sa sunog sa Pacific Northwest.

Kinubra ni Hall ang $262,500 (P12.6M) habang may $152,337 (P7.3M) si Buhai. May tig-$97,999 ang salo sa terserang sina Moriya Jutanugarn ng Thailand (67-205) at American Yealimi Noh (69-205) sa 80 napremyuhang pros tapos masipa sa cut ang 61 iba pa.

Ang torneo’y nagsilbing 11th sa 17th leg 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) 2020, na world’s premier ladies golfest at pinaigsi sa taong sanhi ng pandemya. Nasa 17 bahagi pa nito ang mga kinansela na. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.