Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina, Pagdanganan hahabol

0 207

Hindi maganda ang simula nina veteran pro Dottie Ardina at rookie Bianca Pagdanganan sa 58th KPMG Women’s Professional Golf Association Championship 2020 sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania nitong Huwebes (Biyernes sa Maynila).

Related Posts

Pumalo lang si Ardina, 26, ng Canlubang Laguna ng six-over 76 para malagay sa 10-way tie sa 103rd spot at maiwan ng nine strokes sa dalawang lider na sina Brittany Lincicome ng host country at Kelly Tan ng Malaysia na may 68s.

May 10 palo namang hahabulin si Pagdanganan, 22, ng Quezon City na may 77 at mapabilang sa pitong magkakatabla para sa ika-113 puwesto sa 132-player, 72-hole, four-day major golfest na ika-13 sa may 17-yugto ng US 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.