Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina palaban sa British Open

0 156

Mapapasabak si Dottie Ardina sa mga tigasin pero kinasasabikan at kakasahan niya ang mga ito sa pagsiklab ng $4.5M 44th Women’s British Open 2020 sa Old Course-Royal Troon Golf Club sa Troon, South Ayrshire, Scotland.

Nag-qualify rito ang 26-year-old Pinay mula sa Canlubang, nang mag-five-way tie 20th spot, pero nag-eight place nang alisin na ang mga seeded sa $1.7M Marathon LPGA Classic sa Highlands Meadows Golf Club sa Sylvania, Ohio noong Agosto 9.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kumita ang four-year pro ng $18,138 (P.9M) sa Marathon Classic bilang pagbawi mula sa malabangungot na laro sa $1M LPGA Drive On Championship nitong August 2 kung saan bokya siya sa gantimpala nang ma-cut.

Ito ang ikatlo niyang world majors stint ni Ardina pagkaraan nang sa 74th US Women’s Open 2019 kung saan lumagak siyang 62nd na may $11,303 paycheck (P.5M) habang na-cut sa 65th US Women’s PGA Championship 2019.

Si Ardina ang unang Pinay na papalo sa Biritish Open tapos ng retirado nang si Jennifer Rosales na pumang-apat at nagrasyahan ng $64,528 (P3.1M). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.