Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina puntirya top 10 finish

0 68

Pakay ni Dottie Ardina ang unang top 10 finish sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 $4.5M 59th KPMG Women’s PGA Championship sa Atlanta Athletic Club sa Johns Creek, Georgia sa June 24-27 (Hunyo 25-28 sa ‘Pinas)

Sa may anim na taong pagkampanya sa mayamang US-based world major tour sa loob ng 53 torneo, pinakamataas pa lang na inabot ng 27-year-old Pinay shotmaker buhat sa Canlubang, Laguna ang 15th tie sa 2019 Thornberry Creek LPGA Classic na may kalakipna $25,166 (P1.2M).

Ito pa lang ang panlima niyang salang sa LPGAT ngayong taon na ang best finish ay 31T na may $8,469 ((413K). Sablay siya sa cutoff scores sa tatlo pang event. Ang dalawa pang Philippine bet sa four-day, 156-player, 72-hole stroke play event ay sina Yuka saso at Bianca Isabel Pagdanganan. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.