Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina reresbak sa Symetra

0 134

Mintis sa cut sa huling stop, bubuwelo si Dottie Ardina sa 16th Symetra Tour fifth leg, $175K (P8.4M) 7th Garden City Charity Classic sa Buffalo Dunes Golf Club sa Kansas sa April 30-May 2 (May 1-3 sa ‘Pinas).

Hindi nag-finals ang 27-year-old, Canlubang, Laguna lass sa third leg Copper Rock Championship sa Utah nitong Apr. 22 para sa aktuwal na kambal na kamalasan sa mga kanyang kompetisyon.

SM food to go Banner Ad

Apr. 17 nang sumablay rin ang Pinay parbuster sa cut-off sa buwenamano niyang sabak sa taong ito sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020-21 sixth leg, 10th Lotte Championship sa Hawaii. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.