Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina salo sa 5th, sinubi ang P221K

0 213

Nawala sa porma si Dottie Ardina sa hampas na four-over par 74 para sa 54-hole total three-under 213 at humanay sa anim na magkakasalo sa ikalimang puwesto na may $4,558 (₱221K) each sa wakas Linggo (Lunes sa ‘Pinas) ng 16th Symetra Tour 2021 second leg – $150K IOA Championship – sa Morongo Golf Club-Tukwet Canyon sa Beaumont, California.

Kontender ang dalagang taga-Laguna nang makihalobilo sa opening hanggang penultimate sa second spot bago nadigrasya sa final round.

Nakabawi lang siya sa pagsablay sa cut kaya bokya sa cash prize sa ST opening leg $200K Carlisle Arizona Women’s Golf Classic sa Mesa, Arizona nitong March 18-21.

Malamig din si Bianca Isabel Pagdanganan sa tinirang 76-218 upang mapunta sa seven-way tie para sa 34th place at makuntento lang sa $1,061 (₱51K) sa binyag niya sa Symetra.

Pero mas maigi-igi na iyon kaysa sa sumablay sa cut sa pagkakapos lang ng one stroke second round ng isa pang pambato ng Pilipinas na si US-based Clarissmon Guce.

Na-cut din si Guce sa ST first leg. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.