Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina salto sa Evian finale

0 79

Nanlamig sa four-over par 75 si Dottie Ardina upang sumblay sa last two round finals ng 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 19th leg $4.5M (P227M) The Amundi 21st Evian Championship second round sa Evian Resort Golf Club sa Evian-les-Bains, France.

Kasama ang 71, may 146 ang Pinay shotmaker mula sa Canlubang, Laguna upang kapusin ng four strokes sa mga sumulong sa finale ng four-day 72-hole stroke play na pinamumunuan ni Jeongeun Lee ng South Korea.

May 68-195 si Lee para sa limang palong agwat kay home bet Yealimi Noh na naka-67-200 nitong Sabado sa torneong nakatakdang matapos Linggo ng gabi (oras sa Maynila). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.