Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina sokpa sa ‘ST’ finale

0 143

Nagtala si Dottie Ardina ng two-over-par 74 para sa dalawang araw na total 146, umangat sa pagtabla sa walong iba pa para sa 28th place at pumalaot sa finals ng 16th Symetra Tour fifth leg, $175K (P8.4M) 7th Garden City Charity Classic sa Buffalo Dunes Golf Club sa Kansas Sabado (Linggo sa ‘Pinas).

Buhat sa ika-30 puwesto ang Pinay sa opening round sa tatlong palong pagkaiwan, pero sumampa man ay eight stroke down na siya sa new solo leader na si Beth Wu ng USA na mayroong 69-138 para sa one stroke up sa compatriot na si Lilia Vu (70-139).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mula sa 143 starters, may 68 na lang ang mga papalo sa final round sa paglalabo-labo sa nabanggit na total pot ng ng torneo. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.