Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina swak sa golf finals

0 67

Nagsumite si Dottie Ardina ng dalawang bogey harap at likod pero nakapagsalba pa rin ng three-over par 74 (37-37) upang umakyat sa pagtabla sa pang-36 na puwesto mula sa pang-45 at sumulong sa finals ng 42nd Epson Tour 2022 Leg 6 $200K (P10.5M) 8th Garden City Classic sa Buffalo Dunes Golf Course sa Kansas nitong Sabado.

Kasama ang 73 nga lang, napag-iwanan na ang Pinay shotmaker ng 10 palo (147) ng lider na si Gabriella Thien ng host country na may 70-137, isang palong lamang kay Yan Liu ng China na nag-69 (138) sa 144-player 3-day event.

SM food to go Banner Ad

Na-cut ang dalawa pang pambato ng ‘Pinas at mga kakuwadra sa ICTSI ni Ardina na sina Abegail ‘Aby’ Arevalo na nag-76-151 at Pauline Beatris Del Rosario na nag-78-154. ‘Di na sila kasama sa labanan sa cash prizes. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.