Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina tatapusin 6 taong tagtuyot

0 78

Walang ibang nasa kukote si Dottie Ardina kundi tuldukan na ang may anim na taong pagkauhaw sa korona sa pang-60 torneong niyang papaluan na magsisimula sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

Ito ay ang 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 24th leg, $1.4M (P70.5M) 28th Cambia Portland Classic sa Oregon Golf Club sa West Linn City, Portland.

SM food to go Banner Ad

Nasa world’s premier ladies circuit na ang 27-anyos na Pinay shotmaker buhat sa Canlubang, Laguna na ang kampanya’y pinapasan ng ICTSI noong 2014.

Sumablay siya sa cut anim na event sa rookie year sa naturang taon. Ang mga best finish niya ay 28th tie noong 2017 sa siyam na paligsahan, 68th tie noong 2018 sa limang sinalihan, 48th tie noong 2019 sa 21 sinabakan, dalawang ulit na 20th tie noong 2020 sa walong tourney at sa taong ito’y 12th place tie papasok sa pang-11 niyang kompetisyon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.