Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardina 35T lang, sinubi P58K

0 149

Nawalang saysay ang eagle sa 13th hole ni Dottie Ardina sanhi ng double bogey sa 11th para sa worst third and final round four-over par 76 pa-six-over 222 na nagpa-five-way tie sa 35th sa kanya na may $1,214 (P58K).

Sa pagtiklop ito ng 16th Symetra Tour 2021 fifth leg, $175K (P8.4M) 7th Garden City Charity Classic sa Buffalo Dunes Golf Club sa Kansas nitong Linggo (Lunes, Manila time) na pinagreynahan ni Lilia Vu sa pagtrangka sa 1-2-3 sweep ng mga Amerikana.

Tumirada ang third-year pro at tubong Fountain Valley, California ng 3-under 69 pa-8-under 54-hole 208 total upang masungkit ang kanyang first Symetra Tour at professional career win na nagkakahalaga ng $26,250 (P1.2M) sa isang palong ungos kay former UCLA Bruins teammate at second day leader Beth Wu.

May 74-214 si first round leader Kyung Kim para tumersera.

Sunod sa Philippine bet kasama na uli si Pinay US-based Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang ‘Road to Ladies Professional Golf Association Tour’ 6th leg, $175K 13th Symetra Tour Classic sa Davidson, North Carolina sa May 14-16. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.