Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ardine 54th sa Mirac

0 27

Nagsumite si Dottie Ardine ng three-over 76 para sa eight-over 227 total at makatabla sa 54th place na may $537 (P26K) si American Madison Pressel sa wakas ng 1st Mission Inn Resort and Club (MIRAC) Championship 2020 sa Mission Inn Resort & Club-El Campeon Course sa Howey-In-The-Hills, Florida nitong Sabado (Linggo sa Maynila).

Tinanghal na reyna ang 25-year-old, three year pro, Helsinki native pero San Diego, California-based na si Matilda Castren ng Finland para sa una niyang career win sa circuit (71-207) via five strokes laban kay Swede Linea Johansson (71-212).

Isa pang Philippine bet bukod kay Ardina, si Clariss Guce ang napabilang sa 22 na-cut tapos ng second round kaya luhaan sa 54-hole, three-day event na eight leg ng may 10 torneo na 15th Symetra Tour 2020, pinaigsi ng Covid-19. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.