Abante Tonite Interactive

Are you in or out?

256

JOB HUNTING:

Aminin man natin o hindi, nananatiling mapanghusga ang lipunang ito. Kaya hindi dapat binabalewala ang paraan ng pananamit lalo na sa job interviews.

Hindi naman kaila­ngang gumasta. Dapat lang itong paghandaang maigi para makuha ang inaasam-asam na trabaho.

Ayon sa pag-aaral, dapat isaalang-alang ng aplikante ang kulay ng damit na isusuot. Sa article ng jobstreet, sa loob lang daw ng isa’t kalahating minuto, may assessment na agad sa’yo ang isang tao. Sixty-two hanggang 90% nito ay naimpluwensiyahan daw ng kulay.

Kung dati’y hindi mo masyado pinagtutuunan ng pansin ang kulay ng iyong interview attire, baka kailangan mo nang simulan ngayon. Tandaan, “first impression lasts”.

BLUE
Highly recommended ko ang blue lalo na kung may VTR o screen test ka. Maganda at malamig ito sa paningin. Ayon din sa mga eksperto, asul ang may highest approval sa mga would-be employer. Bukod sa cool ang kulay, nagpapakita raw itong credible at trustworthy ang aplikante.

GRAY
Simple ang gray. ‘Pag ito raw ang kulay ng suot mo, classy pero approachable ang da­ting mo. Karaniwan din itong iniuugnay sa pagiging analytical at logi­cal, kaya madalas daw isuot ng mga aplikante sa anumang propesyon. Madali ring ternohan ng ibang kulang ang gray.

RED
Kung ako ang tatanungin, hindi maganda sa paningin ang pula. Medyo mabigat sa mata. Ika nga nila, color of power, passion and aggression ang red. Baka magmukhang bossy ka kung ito ang kulay ng damit na suot mo. Pero okay lang maglagay ng dash of red sa damit gaya ng tie o scarf, na hindi naman magmumukhang overconfident ka.

Related Posts

BLACK
Pinakamataas sa authority scale ang black. Effective itong isuot kapag ang inaaplayan mong trabaho ay mana­gerial o executive positions na. Maging cautious ka sa pagsusuot nito dahil baka isipin ng would-be employer mong overpowering ka lalo na kung entry level o administrative position ang ina­aplayan mo.

WHITE
Universal color ang white na ang ibig sabihi’y purity at simplicity. Ito ang madalas na kulay ng pang-itaas na damit gaya ng shirts at blou­ses. Maganda ring magsuot ng crisp white jac­ket para bigyang liwa­nag ang dark tops. Sabi ng marami, organisado at detalyado kang tao kapag naka-puting damit.

BROWN
Neutral color ang brown na ang ibig sabihin daw ay comforting at reliable. Bagaman walang negative associations kung ito ang kulay ng suot mo, hindi naman ito bagay kung gusto mong ipakita sa would-be employer mong mo­dern at progressive ka. May impression ka­sing old-fashioned ang brown.

YELLOW
Ito ang most luminous shade sa color spectrum. Kapag ito ang kulay ng suot mo, parang kita sa’yo ang imahe ng haring araw na nagpapamalas ng positivity at happiness. Yellow ang highly recommended co­lor choice ng mga eksperto sa creative professionals.

GREEN
Usually associated ang green sa kabataan, kapayapaan at kaligtasan. Magaan din sa mata ang berde kaya calming impressions ang hatid nito sa would-be employers. Sa kabilang banda, tila inexperience ka raw kapag ito ang kulay ng suot mo. Upang labanan ito, magsuot ng dar­ker shades of green para maipamalas ang maturity.

ORANGE & PURPLE
Gaya ng red, mas­yado ring loud at vib­rant ang orange at purple kaya madalas maiisipan kang overpo­wering ng would-be emplo­yer mo. Okay ang mga kulay na ito kung bahagi lang ng damit na isusuot mo gaya ng tie at scarf. Kapag ginawa mo ito, magmumukha kang classy.

Ang sa akin lang, hindi pa rin sa kulay ng damit nakasalalay kung makukuha mo ang dream job o hindi. Importante pa ring gali­ngan sa pagsagot sa job interview. At siyempre, huwag din kalimutang magdasal.