Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arevalo, 2 pa asinta Tour card

0 193

Sisimulan ng mga kumpiyansang sina Abegail ‘Abby’ Arevalo, Lois Kaye Go at Sunshine Baraquiel ang mabangis na mga pakikipagsalpukan sa pangarap na Ladies Professional Golf Association Tour card sa pagsambulat ng 2021 LPGA and Symetra Tour Qualifying Tournament Stage I sa tatlong course sa Rancho Mirage, California simula sa Huwebes (Biyernes sa Maynila).

Mataas ang morale ni Arevalo, 22, na siyang 2020 Philippine Ladies Open champion, nagposte ng kumbinsidong panalo sa 3rd The Cactus Tour 2021 Stallion Mountain Championship sa Las Vegas, Nevada noong Hunyo, may ilang 12th finishes sa Women’s All Pro Tour at kakapasok lang sa mga susuportahan ng ICTSI.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasa 339-player Stage 1 din ang amateur na si Go, 22, na nag-quarterfinalist sa Women’s Western Amateur sa Illinois nitong Hulyo at miyembro ng University of Southern Carolina team na sumegunda sa Gamecock Intercollegiate sa Blythewood, South Carolina noong Marso.

Pinatibay naman ang former Southwoods mainstay na si Baraquielsa ilang salang sa Ladies Philippine Golf Tour events, patungo sa 72-hole stroke play tournament sa Dinah Shore Tournament Course at Pete Dye Resort Course ng Mission Hills Country Club, at sa Marriott’s Shadow Ridge Golf Club. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.