Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arevalo aasinta muli ng korona

0 52

Tutuntungan ni Abegail ‘Abby’ Arevalo ang tagumpay sa 3rd The Cactus Tour 2021 17th leg Stallion Mountain Championship sa Las Vegas, Nevada noong June 16 sa puntiryang pangalawang korona sa United States.

Sasabak ang 21-anyos na tubong Parañaque sa 3rd Women’s All-Pro Tour 2021 13th leg Delta Downs Invitational sa National Golf Club of Louisiana sa Westlake City na sisiklab simula sa Martes (Miyerkoles sa Manila).

Makakasabayan niyang humampas ang isa pang Philippine bet at kakuwadra sa ICTSI na si Pauline de Rosario, na pupunitya naman ng pangalawang kampeonato sa WAPT pagkaraang magreyna sa fifth leg WLN Centra Arkansas Open noong May 14. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.