Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arevalo atat mag-Symetra

0 80

Sumosyo si Abegail ‘Abby’ Arevalo sa 115th place sa 179 entries sa Ladies Professional Golf Association Tour/Symetra Tour Qualifying School Stage II sa Venice, Florida nitong Oct. 21-24, at sumablay sa $150K (P7.6M) LPGA Tour Qualifying School Stage 3 (Final) Series sa Robert Trent Jones Golf Trail sa Alabama sa parating na Dec. 2-5 at 9-12.

Pagkaraan niyon kinabukasan, agad nagbalik ang 22-anyos na Pinay shotmaker na tinataguyod ng ICTSI, sa praktis at nagpahayag ng kasabikang sumabak na sa 17th Symetra Tour 2022, ang US-based second-tier women’s pro circuit kasunod ng LPGA Tour.

SM food to go Banner Ad

“Currently embracing failure. Accepting and continuously learning every day. What a great opportunity for my growth as a person and as a player. I’m excited to have @road2lpga starts in 2022. Maraming salamat sa suporta at tiwala,” aniya Martes sa Instagram post. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.