Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arevalo lalagare

0 67

DALAWANG araw lang pahinga si Abegail ‘Abby’ Arevalo sa pagkayod sa dalawa ring golf tour sa Estados Unidos para sa huling linggo ng buwang ito.

Sumasabak sa ‘di na natapos na opening round ng 42nd Epson Tour 2022 Leg 7 $200K 10th IOA Golf Classic sa Alaqua Country Club sa Longwood, California Biyernes (Sabado ‘Pinas) dahil sa teknikal na aspeto.

Tatagal ang torneo ng tatlong araw na matatapos sa Linggo (Lunes Maynila).

Pagkaraan ng IOA, sunod niyang lalahukan ang 4th Women’s All-Pro Tour 2022 Leg 8 $55K Bella Vista Charity Classic sa Mayo 25-28 sa Bella Vista Village Country Club sa Bella Vista, Arkansas.

Isa ang 23-anyos, 5-5 ang taas na Pinay pro mula sa Pasay na naglalaro sa kuwadra ni International Container Terminal Services, Inc. owner Don Enrique Anselmo Razon, Jr. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.