Abante Tonite Interactive

Argosino No. 1 plunderer sa BI bribery scandal — Ombudsman

By
0 2,365

Itinuring na ng Ombudsman si dating Bureau of Immigratio­n (BI) deputy commissioner Al Argosino bilang ‘main plunderer’ sa P50 million bribery scandal ng ahensiya.

Sa kanilang amen­ded­ charge sheet, ina­kusahan ng prose­kus­yon si Argosino na umaakto at nakipag­sabwatan kay dating BI deputy commissioner Michael Robles at retired cop Wally Sombero upang makuha at makolekta ang P50 mil­yon ill-gotten wealth.

Ayon sa prosekus­yon, nangyari ang krimen dahil sa pagsasamantala ni Argosino sa kanyang posisyon at im­­pluwensiya kasama si Robles na nagsamantala rin sa kanyang posisyon para humingi at tumanggap ng pera mula kay gambling tycoon Jack Lam.

“It bears emphasis that Argosino is the main plunderer being the one who demanded for the total sum of P100 million received through a series of two separate overt criminal acts and took ownership of a total of P50 million at the City of Dreams after asking for Robles’ company and help,” ayon sa Ombudsman.

Binago ng pro­se­kusyon ang kaso laban sa tatlo upang hindi matulad sa dinismis na plunder case ni dating Pangulong Gloria­ Macapagal-Arroyo kung saan ikinatuwiran ng Supreme Court (SC) na kung walang ‘main plunderer’, malabo din na may ginawang pandarambong.