Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Argosino, Robles, Sombero kulong sa P50M kotong case

0 126

Hinatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo ang dalawang dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa mga kasong graft at plunder.

Napatunayang guilty sina datingBI Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles, pati na si dating police officer Wenceslao Sombero Jr., sa pangingikil ng P50 milyon mula sa mahigit 1,000 Chinese national na naaresto taong 2016.

Para sa kasong plunder, sinentensiyahan ng Sandiganbayan sina Argosino, Robles at Sombrero ng reclusion perpetua o 20 hanggang 40 taong pagkakakulong.

Para naman sa kasong graft, pinatawan sila ng pagkakakulong mula anim hanggang sampung taon.

Diskuwalipikado na rin silang magtrabaho sa public office.

Nakakulong na ang tatlo sa Quezon City Jail Annex ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.