Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ari binuyangyang sa harap ng 2 pasaherong babae

0 55

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaking nasapol sa video na nagpapakita ng kanyang ari sa dalawang babaeng nakasakay sa jeep sa Dagupan City, Pangasinan.

Kinuhaan naman ng isang pasaherong babaeng itinago sa pangalang “Andrea” ang pambabastos ng suspek na nasa edad 40 na umano.

Makikita sa video ang pagpapakita ng suspek ng kanyang ari.

“Kapag may sumasakay, tinatakpan niya ng sumbrero niya [ang ari nito]. Tapos kapag umaandar na, ginagawa niya ulit,” kuwento ni “Andrea.” sa Balitang Amianan.

Ayon sa batas, maituturing na sexual harassment ang pagpapakita ng maselang bahagi ng katawan sa publiko.

Kasalukuyan nang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.