Abante Tonite Interactive

Ari ng pulis pinasubo sa babaeng preso

1,566

Arestado ang isang pulis matapos itong ireklamo ng panggagahasa ng isa sa kanilang mga babaeng inmate sa Atimonan, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Police Executive Master Sergeant (PEMS) Romulo Abanto Carpio, 45-anyos, residente ng Sto. Tomas, Batangas at nakatalaga sa Atimonan police station.

Batay sa report, nangyari ang pang-aabuso noong Linggo ng umaga habang ang babaeng inmate ay naliligo sa banyo ng police station.

Nakakulong ang biktima sa nasabing presinto dahil sa kasong theft.

Ayon sa biktima, pumasok umano sa banyo ang pulis at ipinasubo nito ang kanyang ari sa babaeng bilanggo.

Hindi pa umano nakuntento ang pulis, tulu­yan pa siyang ginahasa.

Nakakulong na ngayon ang police matapos itong maaresto noong Martes at sinampahan na rin ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997. (Ronilo Dagos)