Abante Tonite Interactive

Ari ni Aljur sakto lang; Vin anaconda

By
3,459

KAALIW ang throwback chika mula sa isang direktor. Ang bida sa kuwento si Aljur Abrenica na naging isa sa mga leading men. Para kay direk, mabait ang aktor, magiliw, professional at ginagawa naman talaga ang kanyang trabaho.

Ang emote ni direk, “His handsomeness is his curse,” kasi nga perfection physically si Abrenica for him at parang too much na ang gift ni God from above kung sakdal husay pa itong umarte. Sapat na he serves his purpose, eye candy, beef cake, pampainit, pampadighay.

Sa isang chikahan nila, kung saan may wine sipping at beer drinking na kaganapan, hindi na matandaan ni direk kung bakit napunta ang usapan sa “size that matters” ang kuwentuhan.

Umamin raw si Abrenica na ang ari-arian niya ay “sakto” lang, meaning directly proportional ito sa kanyang oh la lang katawang pangromansa.

Ang nakapagpalaki sa mga mata ni direk, additional information ni Aljur na, “‘Yung kapatid kong si Vin, ‘yun ang anaconda,” na parang proud na proud kuya si Aljur sa pagkakasamabit.

Ang suwerte naman ni Adrienne Vergara na naging ka-partner ni Vin Abrenica sa isang play, may sexual congress scene kasi sila kung saan binuyangyang ang kanyang round at firm buttocks. May naramdaman kayang matigas na ahas si Adrienne dahil patong na patong sa kanya si younger Abrenica habang kumakanyod-kanyod?

Mas swerte si Sophie Albert, huh. Ang kanilang on again, off again na relasyon ni Vin, on na naman. Dahil dalagang mayumi at sosyalin si Albert, hindi proper kung siya ang magpapatotoo sa pagi­ging Anaconda King ni Vin, noh.

Siguro kaya sila ulit dahil dakila ang pagmamahal niya kay Sophie at siya ay dakilang mangingibig. Hindi ba naman?

Lovi at Erich, maanghang ang tarayan

LEGAL versus kabit, iyan ang basic story arc ng The Significant Other. Kung papanoorin niyo ang pelikulang idinirehe ni Joel Lamangan, inyong mapagtatanto na may malaking pagkakaiba ito sa tale as old as time kuwento tungkol sa mga asawa at kabit, may puso, may libog, may lambing at may aral ang panibagong incarnation of a movie tungkol sa pakikiapid at pagiging kabit.

Mainit ang mga lampungan. Maanghang ang mga tarayan. May haplos sa puso ang mga dramahan. At super fashionista ang mga bida, lalong-lalo na si Lovi Poe, na ang katauhan ay si Maxene, isang Pinay top super model.

In full super model mode si Poe sa premiere dahil naka-Oscar gold ang hue of her shining, shimmering splendid gown.

Si Erich Gonzales na Nicole ang katauhan sa pelikula, ang biktima ng maling pagmamahal, panalo ang red gown na super lalim ang V-neck at talagang in full display na ang kalahati ng mga susong dalaga niya at backless kung backless. Makapal siguro ang balat nitong si Erich, hindi ginawin, huh.
Si Tom Rodriguez bilang Edwin, na nagtaksil kasi he is both horny and lonely, ang styling, parang he leaped out from the pages of GQ. Ang guapo-guapo ni Rodriguez sa personal.

Pansin ko lang kay Tom, sana ‘yung glamour technician niya, ibahin ang shade of powder na ginagamit sa mukha niya. May mga eksena kasing halatang-halata ang make up niya.

Balbon pala ang mga hita ni Rodriguez, saktong-sakto ang katawang pang-romansa, ang nakakapagtaka lang, bakit kaya dark brown ang kanyang mga utong? Maputi kasi ang matikas niyang dibdib kaya screaming for attention ang kanyang mga utong, huh!

Si Lourdes Virginia, svelte kung svelte, la­ging body hugging ang suot, at walang puson ang hitad. Hindi naman alarming ang kanyang kapayatan lalo na sa personal.

Si Erich, marunong na pala talaga siyang umarte. She can hold her own candle against the more seasoned Poe. Hindi rin nagpakabog sa kaseksihan si girl.

Suwerte ni Edwin, parehong fierce sa kama sina Maxene at Nicole. Palaban, umiibaw, nagpo-produce ng mga erotic sounds ang dalawang babaing maalindog. Ang mga laplapan nila, Rodriguez at Poe, Gonzales at Tom, maalab, marubdob, at captured talaga ang tunog ng mga maiinit nilang mga halikan.

Ang tatlong bida, did not disappoint sa acting department, on point, maayos ang pagbibigay buhay nila sa kanilang mga katauhan, alam mong they played for truth kaya damang-dama mo ang init at igting ng mga eksena.

Maraming eksena at mga linyahang pinalakpakan. May kabugan pa courtesy of the original Underage girls dati, sina Snooky Serna at Dina Bonnevie.
‘Wag palagpasin, pala­bas na sa mga sinehan. Sugod na!