Abante Tonite Interactive

Ari ni Reid minaliit ng impostor ni Nadine

1,395

Marami ang takang-taka at gustong hambalusin ang poser ni Nadine Lustre na may pagmamagandang wala sa hulog.

Ang pahayag ng poser na nakapagpadabog sa bangs ng karamihan: “Jutay naman mga bes so deadma na.”

Juice colored! How pathetic! How lame! How so ground breaking!

Alam na alam mo na agad na hindi si Lustre ang may pakana sa nasabing payanig at maaring bakla, babaeng bakla o pamintang straight acting na inggit na inggit sa aktres ang nasabing poser kaya may paandar siyang ganito.

Successful naman ang dalahira dahil may mga pumansin, pumatol at inaaway na siya dahil sa kanyang ipinahayag.

Sa true lang, kung aaralin at babasahin, at kung talagang sinusubaybayan mo ang mga post ni Nadine, laging may kawawaan ang mga ito, may pagmamaldita paminsan-minsan pero never bordering below the belt ang mga aria niya. May mga drama siyang “ano na?” pero hanggang doon lang.

Hindi ko alam kung bakit ang nasabing poser will go this low. Sure naman akong kung mababasa ito ni Lustre, hindi siya papatol, at mas lalong wala siyang kukumpirmahin sa sukat ng pagkalalaki ni Reid.

Si Reid rin, tiyak ikikibit-balikat niya lang ang kalapastanganang ito na kumekwestiyon sa kanyang “ari-arian”. Kung ano man ang meron ang binata between his legs and inside his underwear, eh sarili niyang business.

JaDine kinasasabikan pa rin

Aamin na ang diva that you love, ako ay isang tagahanga ng James Reid at Nadine Lustre tambalan. Oo, nakakalungkot ang kanilang paghihiwalayan pero ganu’n talaga ang buhay, may mga relasyong hindi pangmatagalan at mas lalong hindi pangmalakasan.

Upang maibsan ang paghihirap ng kalooban, paulit-ulit kong pinanood ang break up scene nila sa “On The Wings of Love” at sa panonood ko rito, napagtanto ko ang mga bagay-bagay na hahanap-hanapin natin lalo na ngayong hiwalay na ang kanilang de-kolor at puti.

Mas “maganda” pa si Reid kay Lustre, ay isang katotohanang siguradong magkakaroon tayo ng pananabik.

Ang tambalan nila, lalo na sa physical aspects, nagpapaalala sa ‘kin sa pagsasama nina Leonardo di Caprio at Claire Danes sa Bhaz Lhurman’s “Romeo and Juliet” kung saan ‘di hamak na mas may pinong mga tampok at mas maganda si Di Caprio kay Danes.

Ganiyan sina James at Nadine. Iba ang gandang lalaki ni Reid at ang mas napapatingkad pa rito, ang kanyang Australian accented English at Filipino. Sosyal na sosyal ang pagbibigkas at pagbibitaw sa mga salita. Pang-alta talaga.

Ordinary looking si Lustre pero habang pinagmamasdan mo ito, may kung anong pang-akit ang dalagang minsan ay minahal ni Reid.

Sa hiwalayan scene nga nila sa serye, may mga kuha pa nga na parang nababanlag ang kanyang mga mata pero hindi natin iniisip ang di-kasakdalan. Damang-dama mo ang kanyang emosyonal na katotohanan at katapatan na ibinigay sa katauhan ni Leah.

At maging si James, bilang Clark, noong sa bandang huli na “trabaho” ang pinili ni Lea, kitang-kita mo ang “sakit” sa kanyang mga mata.

Hahanap-hanapin natin ang kanilang kakaibang chemistry. Ang pagiging totoo nila. Ang mga emosyong mula sa kanilang kaibuturan na sumasambulat o kaya ay natural na nakakapagpakilig.

Parang sina James at Nadine ang mga kinatawan ng modernong romansa at pag-iibigan. Dahil sa kanilang hiwalayan, isang bahagi ng ating paniniwala sa romansa at happily ever after ay dinurog at winasak. Sayang at hindi nila napanghawakan at naipaglaban pa na dapat ang pagmamahalan nila ay walang kapantay.

Ano na ang mangyayari ngayon at sa susunod?

Alden todo na ang pagtulong sa Taal

Kalugod-lugod ang news report sa “24 Oras” kung saan ipinakita ang pagtulong ni Alden Richards sa mga kababayan nating nasa evacuation centers na matatagpuan sa Alitagtag at Mataas Na Kahoy.

Ang Pambansang Bae, may lambing at panawagan para sa lahat: “Mahaba-haba pong tulungan ‘to. Sana hindi tayo magsawa and we continue doing relief operations for the evacuees ng Taal, sa Taal area, especially sa Batangas. Sa mga gustong tumulong, sana i-ready pa natin ‘yung mga gusto nating itulong sa kanila para tuluy-tuloy lang. Kasi nakita ko, e. I was there. Nakapunta ako sa different evacuation areas, kailangan pa nila ng tulong.

“Sana hindi matapos lang sa isang bigayan. We have to continue.”

Walang duda na ang panawagan ni Richard, marami ang makikinig kaya ang ayuda at tulong sa para sa mga taga-Taal, go for gold.

Ang mga duduso at dudosa, dalahira, katkatera at hitad, siguro naman tatahimik na kayo sa pagratrat niyo kay Alden dahil pangmalakasan na ang pagtulong nito.

Kayo ba may ginawa na?