Abante Tonite Interactive

Ari pinahawak ng kostumer sa massage therapist

654

Kulungan ang bagsak ng isang call center agent matapos ireklamo ng pambabastos ng isang massage therapist makaraang magpamasahe ang suspek at piliting pahawakan ang kanyang ari kamakalawa sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Chris Henry Santiago y Dayao, 39-anyos, call center agent, at taga-No. 27 A. De Guzman St., Barangay Concepcion Uno.

Nahaharap sa kasong unjust vexation ang suspek matapos ireklamo ng biktimang itinatago sa pangalang Anna, 18-anyos, massage therapist.

Naganap ang insidente alas-siyete, Lunes nang gabi sa bahay ng suspek matapos mag-request ng home service massage ang suspek at itinalaga ng kanilang opisina ang biktima.

Ayon sa biktima, nagsisimula na siyang magmasahe sa suspek nang hawakan ng suspek ang kanyang kamay at pilit na pinapahawak sa kanya ang ari nito.

Nagpumiglas ang biktima at nagulat na lang siya nang mag-masturbate ang suspek sa kanyang harap.

Sa takot ay tumakbo palabas ang biktima at sinumbong sa tiyuhin ang pangyayari na nagsama sa kanya para ireklamo sa Marikina CPS PCP 6 ang suspek na agad namang dinakip.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Marikina detention cell. (Vick Aquino)