Abante Tonite Interactive

Ariana Grande nakipaglaplapan sa bar

468

Spotted si Ariana Grande na nakikipaglaplapan sa isang hindi kilalang lalaki sa isang bar. Nagtungo ang singer sa Bar Louie sa Northridge California.

Ayon sa report ng TMZ, kasama ni Ariana ang kanyang mga kaibigan at ang mystery man. Hindi rin alam kung sino ‘yung lalaki pero mukhang hindi umano ito ka-level ng singer.

Ayon sa ilang saksi, halos kalahating oras lang tumambay ang magkakaibigan sa bar. Bagamat nag-inom lang naman sila, hindi naman umano ito lasing o nakainom noong panahong iyon.

Ayon pa sa TMZ, noong mga oras na iyon ay saktong pinapatugtog ang hit song ni Ariana na “God is a Woman”. Lumapit pa siya sa DJ para palitan ang tugtog dahil hindi niya umano ito gustong marinig.

Regular na palang nagpupunta ang singer sa Northridge para mag-aliw. Noong 2019 ay doon mismo siya ininterview para sa Vogue Magazine. (Ronaline Avecilla)