Abante Tonite Interactive

Ariana tinulungan ng ‘Thank U, Next’ makalimot

140

Nalalapit nang matapos ang taong ito, kaya naman nagbigay ng mensahe si Ariana Grande sa kanyang Twitter bilang selebrasyon na rin sa isang taong anibersaryo ng kanyang hit song na “Thank U, Next”.

Para sa singer, ang awiting ito ay tumulong sa kanyang mag-heal sa mga pinagdadaanan. Ito kasi ay tumutukoy rin sa mga dati niyang nakarelasyon na sina Pete Davidson at ang yumaong rapper na si Mac Miller.

Aniya sa Twitter, “Happy birthday ‘thank u, next’. i can’t believe I’ve spent more time alone this year than i have in my life, i can’t believe how many sessions w my therapist I’ve had, how many times I’ve sung this song, how much I’ve learned and healed, how much i still have to learn and heal.”

Maraming pinagdaan ang singer nitong mga nakaraang taon, subalit nanatili siyang matatag. Nagpapasalamat din siya sa mga taong nagbigay sa kanya ng lakas at inspirasyon.

Dagdag pa niya, “It’s been one hall of a productive, emotional, wild and yet … happy! year. thankful for my babies who have provided me with endless strength, energy and inspiration… and to my friends who have held me together on the road and at home. I’m sure they’re just as exhausted lmao.” (Ronaline Avecilla)