Abante Tonite Interactive

Ariana wish makulong habambuhay ang drug supplier ng ex-BF

0 335

Kamakailan ay nadakip ang drug dealer na sangkot sa pagkamatay ng rapper na si Mac Miller.

Nadakip ang drug supplier na si Cameron James Pettit, 28, dahil sa pagbebenta ng delikadong droga kay Mac na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Matapos ang pagkakadakip, hiling umano ng ex-girlfriend ni Mac na si Ariana Grande na makulong ito habambuhay.

Ayon sa source ng TMZ na malapit kay Ariana, sinamantala umano ni Pettit ang adiksyon ni Mac kaya’t marapat lamang na harapin niya ang kasalanan niya.

Naniniwala rin si Ariana na dapat lang managot ang lahat ng sangkot sa pagbebenta ng drugs kay Mac. Ayon sa report ng prosecutor, kasama si Pettit sa tatlong taong nagsuplay ng fentanyl-laced drug.

Dagdag pa ng source, ang pagkakaaresto kay Pettit ang nagbigay ng closure sa kaniya. Bagama’t hindi pa ito tapos, umaasa siya na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ex-boyfriend. (Ronaline Avecilla)