Abante Tonite Interactive

Arianne nakakapaglaway sa bikini

276

Malakas ang dating ng Kapuso actress/TV host na si Arianne Bautista.

Sa kanyang Instagram post kamakailan ay makikita si Arianne na nagchi-chill sa magandang isla ng Boracay suot ang kulay peach na two piece skimpy bikini.

Dito’y nakaka-in-love ang kanyang matatamis na ngiti, na kapag itinerno sa makurba niyang katawan ay tiyak na may kakaibang hatid na kuryente sa maraming kalalakihan. Nakakapaglaway!

Ang 26-year-old na dalaga ay isang commercial model, TV actress, at host sa GMA network.

Unang napanood si Arianne sa teleseryeng “Juan dela Cruz” sa ABS-CBN na pinagbidahan ni Coco Martin. Tapos nito ay lumipat na siya sa Kapuso network at mas nakilala sa seryeng “Ika-6 na Utos” bilang kaibigan at kasabwat ni Ryza Cenon.

Sa mga lalaking takam na takam sa mga babaeng cute at petite, pasok na pasok sa kanilang listahan si Arianne.

Kakaiba ang taglay na sex appeal ng dalaga. Ang mga babaeng tulad ni Arianne ang type na type, at hindi pagsasawaang pagpantasyahan ng maraming mga barako! (Nonie Nicasio)