Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arianne tukso ang porma

0 89

NI: NONIE NICASIO

Sagana sa sex appeal si Arianne Bautista. Mabibistahan ito sa kanyang Instagram post.

Katakam-takam ang taglay niyang kaseksihan sa naturang IG post. Suot ang mustard-yellow two-piece bikini, lalong lumutang ang kariktan dito ni Arianne.

Sa taglay niyang beauty at karisma, sadyang tukso ang alindog ng dalaga sa mga barako.

Siya ang tipo ng babaeng pinanggigigilan ng mga kalalakihan. Sa ganyang porma niya, kahit na sinong member ng opposite sex ay hindi makapagpipigil na humanga sa kanyang hotness.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Arianne ay isang commercial model, aktres, at host sa GMA Network.

May hatid na kakaibang kiliti sa mga barako ang tindig niya.

Ang malakas niyang rehistro sa opposite sex ay sapat para maging aligaga at hindi mapakali ang mga boylet.

Sapat ang kanyang seductive na porma, para maging malikot ang pantasya ng sinumang pilyong boys. (Nonie Nicasio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.