Abante Tonite Interactive

Ariel at Gelli balik-tambalan sa indie film

By
4,733

Balik-tambalan ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen sa isang indie film. Aminado ang mag-asawa na na-excite sila sa mu­ling pagsasama nila.

1997 pa kasi sila huling nag­kasama sa pelikulang ‘Ikaw Pala ang Mahal Ko’ na pinamahalaan ng award-winning screen­writer-director na si Joey Javier Reyes.

Naging masalimuot din ang naging love story ng showbiz couple na ito dahil dumaan din sila sa maraming pagbatikos bago sila nagkatuluyan.

Sa kanilang muling pagsasama, unang pagkakataon nila na gagawa ng indie film na magiging malaking hamon sa kanilang kakayahan.

Para sa mag-asawa, panahon na rin daw na sumubok sila ng ibang bagay na hindi ‘formula’ na iba sa nakagisnan nating panoorin sa kanila sa mainstream.

Unang pagkakataon din ito na gagawa ang dalawa ng isang comedy na may social issue.

Naniniwala rin sila na bahagi ng ebolus­yon ng isang artista ang paggawa ng indie films.

Ito raw iyong tinatawag nilang ‘food for the soul’.

Dagdag pa nila, maibibigay daw nila ang kanilang lubos na panahon sa proyekto lalo pa’t nag-aaral sa Toronto sa Canada ang dalawa nilang anak na sina Joaquin Andres at Julio.

Maganda rin daw itong dis­traction para makalimutan nila ang pangungulila nila sa kanilang mga anak.

Si Gelli ay huling napanood sa ‘La Luna Sangre’ samantalang ang kanyang mister na si Ariel ay kasama sa cast ng Kapamilya teleseryeng ‘Hanggang Saan?’.

Fan si Gelli ng mga Ko­reanovelas at ito talaga ang kumukunsumo ng oras niya ka­pag wala siyang pinagkakaabalahan.

Si Ariel naman ay paminsan-minsang nami-miss ang singing at recording.