Abante Tonite Interactive

Ariel nangatog kay Digong

651

Duterte, Trillanes pinagsama:

Aminado ang komedyanteng si Ariel Villasanta na kinabahan siya nang na-meet sa unang pagkakataon si Presidente Rodrigo Duterte.

Dinayo pa ni Ariel sa Malacañang Palace si Pres. Digong para magkaroon ito ng special appearance sa pelikula niyang “Kings of Reality Shows: The First Reality Movie of Ariel and Maverick with Mommy Elvie.”

“Si Senator Bong Go ang naging tulay ko, bale tinulungan niya lang ako nang nalaman niya itong project kong ito,” sambit ni Ariel.

Ano ang na-feel niya nang nakaharap si Pres. Digong?

Nakangiting wika ni Ariel, “Bale first time ko siyang na-meet. Ang na-feel ko, kinakabahan na hindi ko maintindihan kung maiihi ka, eh. Pero nakakatuwa…”

Nangatog ba siya na parang naiihi sa kaba?

“Hindi, actually, nang nakita ko si Presidente, tuwang-tuwa talaga ako. Parang dream come true iyon, eh. And dito sa pelikulang ito, in flesh mapapanood nila si Presidente.”

Actually, sa pelikulang ito ay napagsama ni Ariel sina Pres. Digong at former Senator Antonio Trillanes na first time lang nangyari.

Kabilang din sa kaabang-abang na eksena sa pelikulang ito ni Ariel ang kina Mayor Isko Moreno, Coco Martin, Mayor Sarah Duterte, Sen. Manny Pacquiao, Eddie Garcia, Joey de Leon, Jose Manalo, Empoy Marquez, Raffy Tulfo, at marami pang iba.

Makikita rin dito ang Hollywood adventures at misadventures nina Ariel and Maverick. Showing na sa November 27. (Nonie Nicasio)