Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ariella ‘di tinakwil ng Binibining Pilipinas

0 60

Isa si Ariella Arida sa mga beauty queen na sumabak na rin sa pagpapa-sexy. Pero aniya ay thankful siya and proud sa mga pelikulang ginagawa niya dahil kahit may sexy scenes ay maganda naman daw ang story at ang pagkakagawa.

“Kahit sexy role, I mean, there’s story behind it pa rin and it’s something pa rin na I would say na I’m proud na ginawa ko,” sabi ni Ara (nickname ni Ariella) sa mediacon ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang Breathe Again.

Sa Breathe Again ay may mga intimate scenes si Ariella with leading men, Tony Labrusca and Ivan Padilla. Bago ito ay ginawa rin niya ang Sarap Mong Patayin na may mga maiinit din siyang eksena rito.

Matatandaang naging Miss Universe-Philippines si Ariella noong 2013 kaya natanong siya kung hindi ba siya natatakot na baka itakwil siya ng Bb. Pilipinas.

“Ngayon naman po, okay pa rin naman po ang aking connection with them,” natatawa niyang sabi.

“For sure, Binibini naman po is very understanding naman,” sey niya.

When asked kung hanggang saan ba ang kaya niyang ibigay when it comes to doing sexy roles at aniya ay may mga reservations naman siya pero basta maganda ang role, tingnan pa rin daw natin.

SM food to go Banner Ad

“Sabi nga, minsan pag nabigay ‘yung perfect na role sa ‘yo and character, parang mahihindian mo pa ba ‘yun?” aniya.

Willing ba siya sa breast exposure if ever?

Natawa si Ara at aniya, “sa surfing nga, tumataas ang bra ko nang hindi ko namamalayan.”

Kung maganda raw ang role at story, open naman daw siya.

“Basta ako, depende talaga sa takbo ng story lahat. Basta perfect story, basta ‘yung ganu’n po,” saad ng beauty queen-turned-actress.

Mula sa direksyon ni Raffy Francisco, mapapanood na ang Breathe Again sa Vivamax sa June 3.

Leave A Reply

Your email address will not be published.