Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ariella nakipagsisiran kay Tony

0 57

NI:ARCHIE LIAO

Panibagong challenge sa beauty queen-actress na si Ariella Arida ang kanyang pagbibida sa pelikulang Breathe Again ni Direk Raffy Francisco.

Aniya, nag-enjoy daw siya sa company ng leding men niyang sina Tony Labrusca at Ivan Padilla na para sa kanya ay parehong masarap katrabaho.

Katunayan, nag-aral daw siya ng free diving lessons para sa ilang eksenang kailangan sa pelikula.

Sobra rin siyang nagpapasalamat kay Tony sa pag-alalay sa kanya hindi lang sa love kundi pati sa underwater scenes nila.

Noong una raw kasi, medyo na-pressure siya dahil napanood niya ang mga seksing pelikula ni Tony, so ang challenge sa kanya ay kung paano makipagsabayan dito hindi lang sa acting kundi sa love scenes nito sa kanyang mga nakatambal sa mga pelikula.

Dagdag pa niya, iba namang klase ng “high” ang ibinibigay sa kanya kapag nasa dagat siya at nakikipagsisiran kasama si Tony.

Ang pelikulang Breathe Again ay palabas na sa Vivamax simula sa Hunyo 3.

Leave A Reply

Your email address will not be published.