Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ariella sinasabong kina Kylie, Cindy, Janelle

0 233

NI: VINIA VIVAR

Ayon kay Miss Universe-Philippines 2013 Ariella Arida, walang kumpetisyon sa kanila ng mga kapwa beauty queens sa Viva Films pagdating sa pagpapa-sexy sa pelikula.

Bukod kay Ariella, palaban din kasi sa paggawa ng mga sexy movie sina Cindy Miranda (Bb. Pilipinas Tourism 2013), Kylie Verzosa (Miss International 2016), at Janelle Tee (Miss Philippines Earth 2019).

Sey ni Ariella, hindi kompetisyon ang tingin niya sa paggawa nila ng pelikula.

‘It’s more of challenging yourself, especially ganoon naman sa life. Kung nasaan ka, it’s either laging may bagong dumarating.

“So, it’s challenging and it’s better to be like that. Kasi kung walang challenge, hindi mo mapu-push ‘yung sarili mo to do things na kaya mo palang gawin,” pahayag ng bida ng Vivamax Original Movie Breathe Again.

Inamin din ni Ariella na dream nga niya na magkasama-sama silang apat nina Kylie, Cindy at Janelle sa isang pelikula.

“I’m actually dreaming na sa isang project, magkakasama kami. That’s exciting and kayo na ang bahalang humusga,” she said.

Sa ‘Breathe Again,’ maraming sexy scenes sina Ariella at Tony Labrusca kaya natanong ang beauty queen kung hanggang saan ang limitasyon sa pagpapakita ng skin at handa ba siyang mag-all out.

“Basta depende sa story line, sa story ng film. Naniniwala naman ako na as long as it’s been taken very artsy something like that why not, sensual pa rin naman ang dating,” sagot ng aktres.

Ang Breathe Again ang unang full length movie ni Raffy Francisco na kilala bilang direktor ng mga TV commercial. Siya mismo ay mahilig sa dagat at ito ay makikita sa kanyang mga kuhang litrato. Ipalalabas ito sa Vivamax sa June 3, 2022.

Leave A Reply

Your email address will not be published.